MINALAS ANG DALAWANG HOLDAPER NA ITO
MATAPOS MATIYEMPUHAN NG MGA OTORIDAD
HABANG PAPATAKAS SAKAY NG TAXI NG HINOLDAP NILANG DRIVER
SA PAYATAS ROAD SA KYUSI.
AYON SA OTORIDAD,NAGSASAGAWA SILA NG CHECKPOINT SA LUGAR
NANG DUMATING ANG TAXI . .
PERO IMBES NA DUMIRETSO AY BIGLA RAW ITONG LUMIKO
KAYA AGAD DAW NILA ITONG NILAPITAN.
BUMABA RAW ANG TATLO AT NAGPAPUTOK NG BARIL.
HABANG TUMATAKBO...
GUMANTI RAW NG PUTOK ANG MGA PULIS AT NAPATAY
ANG DALAWA SA TATLONG HOLDAPER.
PERO MABILIS NAKATAKAS ANG ISA SA MGA KAWATAN.
NATAGPUAN NAMAN ANG TAXI DRIVER NA SI LEO CANSIANO
SA COMPARTMENT NG KANYANG TAXI.
KWENTO NIYA...
SUMAKAY SA QUEZON AVENUE ANG TATLONG LALAKI
AT PAGDATING SA MAHARLIKA AY NAGDEKLARA NA RAW NG HOLDAP ANG MGA ITO.
TINANGAY DAW NG MGA ITO ANG KANYANG MAGHAPONG KITA
BAGO SIYA BINUSALAN AT IGINAPOS AT INILAGAY SA COMPARTMENT
NG TAXI.
DUMATING DIN SA CRIME SCENE ANG ISANG BABAE
NA HINOLDAP DIN UMANO NG MGA SUSPEK
TINUTUGIS NA NG OTORIDAD ANG NAKATAKAS NA HOLDAPER.
No comments:
Post a Comment