istorya, litrato, video ng mga krimen, aksidente at iba pang kaganapan sa kyusi . . at sa iba pang lugar sa Metro Manila mga bagong modus . . mga nagtatago sa batas . . at ang mga naaresto . . mga maaksyong operasyon ng mga otoridad laban sa mga kriminal mga tips kung paano makakaiwas upang hindi maging biktima ng mga krimen at aksidente . . ang lahat ng iyan dito lang sa kyusipulisfiles . . mula sa Reporter na si Ryan Ang
Wednesday, August 29, 2012
INAGAWAN ANG GWARDYA SA SUBDIVISION, BAGO TINAMBANGAN ANG NAG-IINUMAN?
SA HALAMANAN NG ISANG BAHAY NAGTAPOS ANG BUHAY NI JERRY ESCOTON
HABANG SUGATAN NAMAN ANG DALAWANG PINSAN NIYA
MATAPOS SILANG PAGBABARILIN HABANG NAG-IINUMAN
SA ISANG TINDAHAN SA NORTH FAIRVIEW PARK SUBDIVISION, SA KYUSI.
NAGTAMO NG IBAT IBANG TAMA NG BALA SA KATAWAN ANG BIKTIMA,
HABANG NAISUGOD NAMAN SA OSPITAL ANG KANYANG MGA PINSAN.
KWENTO NG GWARDYA NG SUBDIVISION.
PASADO ALAS OTSO Y MEDIA NG GABI NANG MAKARINIG
SIYA NG SUNOD SUNOD NA PUTOK NG BARIL.
AT NANG KANYANG SILIPIN..
NAKITA NIYA ANG ISANG MOTORSIKLONG HUMAHARUROT PAPALAYO .
NAKATAKBO PA RAW ANG BIKTIMA PERO SINUNDAN PA ITO NG SUSPEK
AT DUN NA ITO BINAWIAN NG BUHAY SA HALAMANAN NG ISANG BAHAY
ANIM NA BASYO NG KALIBRE KWARENTAY SINGKONG BARIL
ANG NATAGPUAN SA CRIME SCENE.
BAGO RAW NANGYARI ANG INSIDENTE..
INAGAWAN NG BARIL AT PINAPUTUKAN NG ISANG LALAKING
NAKAMOTOR ANG GUWARDYA NG KATABING SUBDIVISION
PERO MASUWERTE NAMANG NAKAILAG ANG SEKYU.
PATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON NG OTORIDAD
PARA MATUKOY ANG SUSPEK AT ANG MOTIBO SA PAGPATAY.
TINITINGNAN DIN NILA ANG ANGGULONG MAY KINALAMAN ANG PAMAMARIL SA MAGKALAPIT NA SUBDIVISION.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment