Monday, November 26, 2012

KOTONG ENFORCER NAENTRAP KULONG

TSK TSK TSK, HUWAG NA KASING SUMAYDLINE NG KOTONG PARA HINDI MAKULONG


NAPAYUKO NA LANG SA GILID NG KANYANG MOTOR
ANG TRAFFIC ENFORCER NA SI OSCAR YCASIANO.

INARESTO ITO DAHIL SA PANGONGOTONG
UMANO SA ISANG A-U-V DRIVER.

HANGGANG SA PRESINTO,
PANAY ANG TAKIP NI YCASIANO SA KANYANG MUKHA.

NAKORNER KASI SIYA NG MGA PULIS
SA ISANG ENTRAPMENT OPERATION SA QUEZON CITY
AT INABUTAN NG MARKED MONEY.

KUWENTO NG DRIVER NA SI GARDO,
HINULI SIYA NG SUSPEK SA EDSA-BALINTAWAK
DAHIL OUT OF LINE RAW SIYA O BUMI-BIYAHE SA MALING RUTA.

KINUMPISKA RAW NITO ANG KANYANG LISENSYA AT BINAKLAS PA ANG PLAKA NG SASAKYAN.

PERO WALA RAW ITONG BINIGAY NA TICKET.

NAGTEXT UMANO ANG KATROPA NITO SA MMDA AT HINIHINGAN UMANO ITO NG 1,5OO PARA MABAWI ITO

GANITO RIN DAW ANG GINAWA NI YCASIANO
NANG UNA SIYANG HULIHIN NOONG NAKARAANG LINGGO.

HININGAN SIYA NG 300 PISO

TUMANGGING MAGBIGAY NG PAHAYAG ANG SUSPEK...
NA NAHAHARAP SA KASONG EXTORTION.

POSIBLE RIN ITONG MASIBAK SA SERBISYO!

KAYA ANG PAYO NI POLICE INSPECTOR ABURAHMAN ABDULA JR SA MGA MOTORISTA SUMUNOD NA LANG SA BATAS

AT PARA NAMAN DAW SA MGA TRAFFIC ENFORCER, HUWAG NANG PAMARISAN ANG GANITONG GAWAIN PARA HINDI MALAGAY SA ALANGANIN

PAGLILINAW NAMAN NG M-M-D-A,
MGA TAGA-L-T-O  AT L-T-F-R-B LANG ANG PUWEDENG KUMUMPISKA
NG PLAKA AT LISENSIYA NG SASAKYANG MAY TRAFFIC VIOLATION.

No comments:

Post a Comment