HINDI HALOS MAKATAYO SI MANG JOAQUIN BOMITIBO
DAHIL SA PANANAKIT NG PAA MATAPOS SALPUKIN NG ISANG TRUCK
ANG KANYANG TAXI SA SOUTH BOUND LANE NG KAMUNING FLYOVER SA KYUSI..
KWENTO NI MANG JOAQUIN..
TINATAHAK NIYA ANG FLYOVER NANG BIGLA SIYANG SALPUKIN NG TRUCK
AT SA SOBRANG LAKAS NG IMPACT AY UMIKOT PA ITO AT HUMAMPAS
SA PADER NG FLYOVER AT TUMAMA PA SA ISANG SUV..
KAYA NAMAN WASAK NA WASAK ANG TAXI..
SUGATAN DIN ANG PASAHERO NITO PERO AGAD DING UMALIS
DAHIL MAY FLIGHT PA RAW PATUNGONG PROBINSYA
DEPENSA NAMAN NG DRIVER NG TRUCK NA SI LAURIANO PALMONES..
PAAHON SIYA SA FLYOVER NANG BIGLANG UMOVERTAKE ANG TAXI..
SINUBUKAN DAW NIYA ITONG MAGPRENO
PERO HINDI NA KINAYA DAHIL SA BIGAT NG DALA NIYA KAYA NASALPOK NIYA ANG TAXI..
PATULOY ANG IMBESTIGASYON NG OTORIDAD
HABANG NAKA-IMPOUND ANG DALAWANG SASAKYAN SA TRAFFIC SECTOR 5..
PARA MATUKOY KUNG SINO ANG MAY PANANAGUTAN SA AKSIDENTE..
No comments:
Post a Comment