Sunday, March 3, 2013

2 NAKURYENTE, 20 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA QC

konting ingat mga kapatid . . hindi lang mga ariarian ang pwedeng mawala sa  sunog na gaya nito

SUGATAN ANG DALAWANG RESIDENTE  . . 
HABANG DALAWAMPUNG PAMILYA NAMAN ANG NAWALAN NG TIRAHAN DAHIL SA  SUNOG NA TUMAGAL DIN NG HALOS DALAWANG ORAS SA AREA 5 SITIO CABUYAO BGY SAUYO SA KYUSI  KAGABI

NAGSIMULA ANG SUNOG PASADO ALAS SAIS DOSE NG GABI AT IDINEKLARANG FIREOUT NG ALAS OTSO TRES. 

UMABOT SA IKAAPAT NA ALARMA ANG SUNOG NA NAGMULA UMANO SA BAKERY NG ISANG JUAN JAIN..
PERO AYON SA ILANG RESIDENTE,  MAY NARINIG PA SILANG PAGSABOG SA LIKURAN NG ISANG BAHAY DITO 

SA KALAGITNAAN NG PAG-APULA NG APOY, BIGLANG NAGSIGAWAN ANG MGA TAO DAHIL NAKURYENTE ANG DALAWANG RESIDENTENG TUMUTULONG SA PAG-APULA NG APOY.. 

AGAD NAMANG ISINUGOD ANG MGA BIKTIMA SA OSPITAL.. 

AYON SA BUREAU FIRE PROTECTION . . 
NAHIRAPAN SILA SA PAG-APULA NG APOY DAHIL SA SIKIP NG MGA DAAN AT NAGKALAT NA KAWAD NG KURYENTE .. 

MABILIS DING KUMALAT ANG APOY DAHIL GAWA SA LIGHT MATERIALS ANG MGA BAHAY DITO 

PATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON NG MGA OTORIDAD PARA MATUKOY ANG PINAGMULAN NG APOY.. HABANG SA COURT DAW MUNA NG AREA 5 MAMALAGI ANG MGA NASUNUGANG RESIDENTE

PAALALA NAMAN NG BFP SA ATING MGA KABABAYAN, MAG-INGAT LALO NA NGAYON FIRE PREVENTION MONTH NA TALAMAK TALAGA ANG SUNOG DAHIL NA RIN SA KLIMA O MAINIT NG PANAHON.

No comments:

Post a Comment