Monday, January 28, 2013

ELF SUMALPOK SA BUS, DALAWA SUGATAN (1/7/13)

INGAT INGAT MGA KAPATID . .  MGA BUS, HUWAG KASING HINTO NG HINTO KUNG SAAN SAAN
Sugatan ang driver at pahinante ng isang isuzu elf  matapos itong bumangga sa isang bus sa commonwealth avenue sa kyusi pasado alas otso ng gabi..
Wasak ang harapan ng elf at 
Nakaipit pa sa loob nito
ang binti ng driver na si roberto soriano  kaya kinailangan pang gumamit ng spreader ng qc dpos rescue team para maialis ang driver sa pagkakaipit.. Umabot lang ng sampung minuto ang pagtanggal pero nahirapan daw sila dahil sa dami ng usisero sa lugar.. 

Sugatan din ang binti ng  pahinanteng si 
Roland almasan na tinamaan ng mga karga nilang hollow blocks 

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ang dalawa bago isinugod saeast avenue medical center.. 

Kwento ng driver ng truck, mabagal lang ang takbo nila pero hindi na nila naiwasan ang bus sa harapan nila na biglang prumeno para kumuha ng pasahero..

Dinala na sa traffic sector 5 ang bus at elf.. At iniimbestgahan pa ang aksidente para matukoy kung sino ang may pananagutan dito

RESPONSABLE SA BALANG TUMAMA KAY STEPHANIE NICOLE ELLA, PINAGHAHANAP PA RIN

DAPAT TALAGANG PANAGUTIN ANG NAGPAPUTOK NG BARIL NOONG BAGONG TAON,  KUNG SINO KA MAN MAKUNSENSYA KA NAMAN SANA.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa pinanggalingan ng balang tumama kay stephanie nicole ella noong bagong taon 

Ayon kay ncrpo chief leonardo espina, Posible raw kasi na hindi ang apat na lalaking nasa kustodiya ng caloocan pnp ang nakapatay kay nicole 

Base kasi sa pagsusuri ng soco, nagmula sa american made na caliber 45 pistol ang balang nakuha sa bungo ni ella..counter clockwise raw  ang ikot ng riffling nito . 

Taliwas sa nakuhang baril sa na pag-aari ni johnny agos ..na pinaputok nilang apat noong bagong taon..  
gawa raw ito sa espania .. At clockwise ang ikot ng riffling nito 

Pero wala pa rin daw lusot ang apat dahil susuriin nila ang baril baka pinalitan daw ang barrel nito..

sasampahan pa rin ng kasong illegal discharge of firearm ang apat at negligence sa  may-ari ng baril.. 

Samantala nagpunta naman ang mga operatiba ng soco kasama ang ncrpo chief sa crime scene para suriing mabuti ang lugar at lahat ng detalye na a pag-usad ng kaso