Wednesday, August 29, 2012

TUMANGGING MAGBIGAY NG BALATO, BINARIL, PATAY


Dead on the spot sa harap ng mga ebingo machine ang isang lalaki matapos barilin habang naglalaro sa tronix bingo outlet sa navotas city pasado alas syete ng gabi..
Ayon sa mga nakakita na ayaw humarap sa kamera, nanalo umano ang biktimang si cary lance ignacio nang hingan ng balato ng isang danny toyo..
Nang hindi raw ito bigyan ay bigla na lang itong binaril sa ulo.. Agad naman nagtakbuhan ang mga naglalaro at sumabay dito ang suspek palabas ng naturang establisimiento..
Balak namang ireklamo ng ama ng biktima ang establisimiento dahil bagamat bawal magdala ng anumang sandata sa loob ay walang gwardya nang mangyari ang insidente.. Alas otso ng gabi hangang alas otso ng umaga lang daw kasi ang duty ng gwardya dito..
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga empleyado ng establisimiento
Patuloy pa rin ang imbestgasyon ng otoridad para makumpirma kung totoo ngang may kinalaman si danny toyo sa krimen
May cctv sa labas ng bingo tronix pero ang loob nito ay kakabitan pa lang daw ng cctv camera..

No comments:

Post a Comment