Tuesday, June 28, 2011

Kyusi, inulan ng aksidente noong lunes

Babala sa mga motorista, lalo na sa mga nagmomotor
mag-ingat sa kalsada, dahil hindi mo alam kung ano 
ang tatama sa iyo






Ika nga nila, ang isang paa ay 
nasa ospital at ang isang paa'y
nasa sementeryo









Gaya nitong si Nicolive dadula, 
sumemplang umano siya
mula sa sinasakyan niyang
bigbike dahil natanggal at naipit
ang kadena nito





Pagsemplang daw niya, saka siya nasagasaan at nagulungan
ng isang trailer truck na pag-aari 
ng isang kumpanya ng alak







Humihingi naman ng pasensya ang 
driver ng truck na si Wilbert
Sabio jr, hindi raw niya ito 
sinasadya, talagang sumemplang na raw si dadula,



Sinubukan pa raw niya itong 
iwasan pero hindi na kinaya ng 
kanyang preno at kung ibabangga 
naman niya sa poste ng mrt mas 
marami ang mapapahamak





Bagamat hindi sinasadya ni sapio 
ang aksidente, posible siyang
makasuhan ng reckless imprudence
resulting in homicide at damage to 
property kapag hindi sila nagkaayos 
ng pamilya ng biktima



Sa hindi naman kalayuan, 
pumailalim din ang motor ni
jomar dizon sa isang truck 
matapos umano itong
sumingit ng alanganin





hindi raw siya napansn ng driver
na si alberto lem-ew nagulat na 
lang ito nang may kumalabog, 
nasa ilalim na pala ng kanyang motor
si dizon na nagtamo ng sugat sa binti




Isa namang ginang na ayaw 
gumamit ng overpass. . 








. . . ang nasagasaan
ng isang motorsiklo sa balintawak
edsa sa kyusi . .









tumalsik naman ang driver ng motor 
bago bumangga ang kanyang motor
sa isang L300 van






ayon sa driver ng motor na si 
romualdo aril, tinatahak niya ang 
kahabaan ng edsa nang biglang
tumawid nang hindi tumitingin 
sa daan si leonida dela cruz






Dinala sa mcu general hospital
ang mga dalawa na nagtamo
mga sugat sa katawan at pilay 
sa binti

No comments:

Post a Comment