istorya, litrato, video ng mga krimen, aksidente at iba pang kaganapan sa kyusi . . at sa iba pang lugar sa Metro Manila mga bagong modus . . mga nagtatago sa batas . . at ang mga naaresto . . mga maaksyong operasyon ng mga otoridad laban sa mga kriminal mga tips kung paano makakaiwas upang hindi maging biktima ng mga krimen at aksidente . . ang lahat ng iyan dito lang sa kyusipulisfiles . . mula sa Reporter na si Ryan Ang
Saturday, September 3, 2011
DINANAS NG KYUSI NOONG JUNE 23 SA BAGYO
GRABE!
TODO SAGWAN ANG MGA LALAKING ITO PARA MAKAUSAD LAMANG . . PERO HINDI SA ILOG O SA DAGAT . . KUNDI SA TUBIG BAHA. . . .
. . . NA GALING LANG SA UMAPAW NA TALAYAN
CREEK SA ARANETA AVENUE...
QUEZON CITY.
DAHIL SA WALANG TIGIL NA BUHOS NG
ULAN...UMABOT PA SA HANGGANG DIBDIB
ANG TUBIG BAHA.
KAYA NAMAN ANG IBANG MOTORISTA
NA MAGLALAKAS LOOB SANANG
SUMAGASA SA BAHA...
NAPA-ATRAS DIN.
BUKOD SA BAHA...
NAGLUTANGAN DIN ANG SANTAMBAK
NA BASURAKAYA ANG MGA TAO...
'DI NA SUMUONG SA BAHA.
NAKAKITA TULOY NG PAGKAKATAON
ANG ILAN PARA KUMITA.
GAMIT ANG SIRANG REF...
NANINGIL ANG MGA BATANG ITO
NG KONTING BARYA
PARA IHATID ANG MGA TAO SA
KANILANG MGA TIRAHAN.
MABILIS DING TUMAAS ANG TUBIG
SA ILOG NG TUMANA SA BGY BAGONG
SILANGAN SA KYUSI
KAYA SA ILANG ORAS LANG...
LUBOG NA ANG MGA LUGAR SA PALIGID NITO.
ANG DAYCARE CENTER NA MALAPIT SA ILOG
HINDI NA MAKIKITA DAHIL SA BAHA.
PATI ANG MGA BAYTANG NG HAGDAN NA ITO
NA NOOY LABINDALAWA...
LIMA NA LANG ANG MAKIKITA.
GAMIT ANG STICK NA ito
SINUBUKAN PA NAMING SUKATIN
ANG LALIM NG TUBIG BAHA RITO
KAYA NAMAN ANG MAHIGIT ISANDAAN
AT DALAWAMPUNG RESIDENTE
SA MGA BARANGAY NA MALAPIT
SA ILOG...
INILIKAS NA PAPUNTA SA ISANG
COVERED COURT.
AT DAHIL DAW SA KARANASAN
NOON SA BAGYONG ONDOY...
HINDI NA RAW PAHIRAPAN
ANG PAG-EVACUATE SA KANILA...
INAASAHANG MADARAGDAGAN PA
ANG MGA EVACUEE.
NAKAHANDA NAMAN DAW
ANG MGA ESKWELAHAN
KUNG SAKALING KAKAILANGANIN
NG KARAGDAGAN EVACUATION SITE.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment