MAKIKITA SA LITRATO ANG DALAWA PANG SUSPEK NA NAKATAKAS AT PAALALA: PATI ANG BUMIBILI NG NAKAW, HINUHULI DIN |
SA KULUNGAN ANG BAGSAK NG
HINIHINALANG CARNAPPER NA SI GEORGE KAHLIL
MATAPOS ITONG MAKAENKWENTRO
NG MGA OTORIDAD SA MAYNILA KAHAPON NG MADALING ARAW
NAKATAKAS NAMAN ANG DALAWA
NITONG KASAMAHAN NA SINA JUNIE BERNARDINO AT ALYAS MICHAEL PUTOL. .
NINAKAW UMANO NG MGA SUSPEK
ANG MOTORSIKLONG ITO SA LIKOD NG QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL ANG MOTOR NOONG
MARTES NG GABI . .
NAKATANGGAP UMANO SILA NG
TIP NA IBABAGSAK ITO SA ISANG BUYER SA TAYUMAN . .
KAYA AGAD NILA ITONG
PINUNTAHAN . .
NAKUHA MULA KAY KAHLIL ANG
MOTORSIKLO, MGA CELPHONE, PEKENG PERA AT ISANG KALIBRE KWARENTAY SINGKONG BARIL
NAKITA UMANO NILA ANG
TRANSAKSYON SA CELPHONE NG SUSPEK AT NG BUYER KAYA AGAD NILANG IKINASA ANG
ENTRAPMENT OPERATION
KUNG SAAN NAHULI ANG BUYER
NA SI MARVIN MORABE AT ANG DALAWA NITONG MEKANIKO . . .
DEPENSA NAMAN NI KAHLIL,
HINDI SIYA CARNAPPER, AHENTE LAMANG SIYA NG MGA NAKAW NA MOTOR.
SASAMPAHAN NG KASONG
CARNAPPING AT PAGLABAG SA OMNIBUS ELECTION CODE SI KAHLIL
HABANG KASONG PAGLABAG SA
ANTI FENCING LAW ANG KAKAHARAPIN NI MORABE AT DALAWA NITONG KASAMAHAN
TINUTUGIS NA RIN NG MGA
OTORIDAD ANG DALAWANG NAKATAKAS NA CARNAPPER.
No comments:
Post a Comment