KAWAWA NAMAN, KUMAKAIN LANG, SINAKSAK NA! |
SAPUL SA CCTV FOOTAGE NA
ITO KUNG PAANO PINAGSASAKSAK NG SUSPEK NA SI ANTHONY NUNAG ANG BIKTIMANG SI
ROLIO CATALAN NA NOON AY KUMAKAIN LANG SA
ISANG GOTOHAN SA ANTIPOLO CITY PEBRERO ANUEBE NG MADALING ARAW.
AYON SA IMBESTIGASYON, DUMATING
ANG SUSPEK HABANG KUMAKAIN ANG MGA CUSTOMER SA GOTOHAN
MAHINAHON PA RAW NN NAG-USAP
ANG DALAWA NANG BIGLA NA LANG UNDAYAN NG ICEPICK NG SUSPEK AT SAKSAKIN SI CATALAN SA LIKOD..
PATI ANG KATABI NI CATALAN
, INUNDAYAN DIN NG SAKSAK PERO NAKAILAG ITO..
AYON SA OTORIDAD, SIGA RAW
TALAGA SA LUGAR NILA ANG SUSPEK, AT MALAMANG NA KINIKIKILAN NG SUSPEK ANG
BIKTIMA, AT NANG HINDI MAKAPAGBIGAY AY SINAKSAK NA ITO
ISINUGOD PA SA OSPITAL ANG
BIKTIMA, PERO NALAGUTAN NA RIN NG HININGA.
SA TULONG NG CCTV FOOTAGE,
NAGSAGAWA NG FOLLOW UP OPERATION ANG MGA OTORIDAD PARA MATUKOY ANG SUSPEK.
AGAD NAMAN ITONG NADAKIP
KINABUKASAN MATAPOS ANG INSIDENTE.
PERO KAHIT BISTADO NA,
TODO TANGGI PA RIN ANG SUSPEK SA BINTANG.
SINAMPAHAN NA NG KASONG
MURDER ANG SUSPEK NA NAKAKULONG SA ANTIPOLO CITY JAIL
No comments:
Post a Comment