Thursday, January 19, 2012

LALAKI, NAPAGTRIPAN PATAY, SUSPEK NAHULI DAHIL SA MGA BAKAS NG DUGO


Walang patid sa pag-iyak ang babaeng ito  nang makitang duguan at nakahandusay wala ng buhay niyang kapatid sa bgy batasan hills sa kyusi
aniya, kasalanan ito ng kaibigan ng kanyang kapatid, pilit umano nitong niyaya ang kanyang kuya na mag-inuman sa isang bar

Nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib at braso ang biktimang si edmund golez, 33 anyos , isang construction worker

Kwento ng isang residente, galing sa isang bar ang grupo ng suspek at ng  biktima.. 
Nagkaroon umano ng konting pagtatalo dahil lasing na ang biktima.. Hindi raw niya akalain na mauuwi sa ganito ang lahat pag-uwi ng mga ito

Nakarinig din daw ng pagtatalo ang mga kapitbahay sa pinangyarihan ng krimen, pero hindi raw nila ito 
pinansin dahil normal naman daw sa lugar na iyon ang away

Natunton naman agad ng mga otoridad ang suspek na si jon jon lorejo alyas bulate
nang sundan nila ang mga bakas ng dugo sa lugar

Depensa naman ng suspek, wala siyang kinalaman sa krimen, siya pa nga raw ang sinaksak ng hindi niya nakilalang lalaki
nagkakape lang umano siya at nakaupo sa isang saradong tindahan ng lapitan siya gn isang lalaki nasalag niya raw ang saksak kaya siya nagkaroon ng sugat sa kamay

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng otoridad, 
habang hinahanap pa nila ang huling nakasama ng biktima na makakatulong sa paglutas ng krimen


Sasampahan ng kasong homicide ang suspek

No comments:

Post a Comment