Friday, September 23, 2011

OFF TOPIC, SUNOG SA VALENZUELA

 AABOT SA MAHIGIT TATLONG MILYONG PISO...ANG HALAGA NG ARI ARIANG NAABO.
SA WAREHOUSE NG MGA HOME-MADE FURNITURE SA MALINTA VALENZUELA.

NAGLALAGABLAB ANG APOY AT ANG MGA KABLE NG KURYENTE...WALANG TIGIL SA PAGPUPUTUKAN.

NAGSIMULA ANG SUNOG PASADO ALAS OTSO NG GABI NA UMABOT SA PANGALAWANG PINAKAMATAAS NA ALARMA 

NAGDAGSAAN NA ANG MGA BUMBERO SA IBAT IBANG DISTRITO

MAHIGIT DALAWAMPUNG FIRETRUCKS NA...ANG NAGTULUNG-TULONG
PARA APULAHIN ANG APOY.

PERO NAHIRAPAN ANG MGA BUMBERO DAHIL SA MGA NAKAIMBAK NA KEMIKAL SA WAREHOUSE
NAUBUSAN NA NG TUBIG ANG ILANG TRUCK NG BUMBERO AT KINAILANGAN PANG BUMALIK 
SA KANILANG MGA ISTASYON PARA MAGKARGA.

'DI RIN MAIKUTAN NG MGA BUMBERO
ANG WAREHOUSE...DAHIL ISANG CREEK ANG NASA LIKOD NITO.

 
HINALA NG MGA OTORIDAD FAULTY WIRING ANG PINAGMULAN NG SUNOG

AYON SA  BUREAU OF FIRE PROTECTION...DAPAT MAY SARILING PAMATAY SUNOG
ANG MGA INDUSTRIAL COMPOUND NA KAGAYA NITO.

PASADO ALAS DOSE NA NANG HATINGGABI NANG MA-KONTROL NG MGA BUMBERO ANG APOY.

WALANG NASAKTAN DAHIL AGAD NA NAKALABAS ANG CARETAKER NG WAREHOUSE...NA PAG-AARI NG ISANG DAVID DEE.

No comments:

Post a Comment