NAKAGAPOS ANG KAMAY, BALOT NG TAPE ANG MUKHA
AT NAKASILID PA SA GARBAGE BAG ANG BANGKAY NG TATLONG LALAKING ITO
NANG MATAGPUAN SA BRGY. PAGASA KYUSI
KWENTO NG MANGANGALAKAL NA SI REY OSQUERA...
NAPADAAN SIYA SA LUGAR PARA MAGHALUNGKAT SANA NG MAPAGKAKITAAN...
INAKALA RAW NIYANG BASURA ANG LAMAN NG PLASTIC..
PERO NANG BUKSAN NA...ANG MGA BANGKAY ANG TUMAMBAD SA KANYA.
WALA NAMANG NAKITANG PAGKAKAKILANLAN SA MGA BIKTIMA
BUKOD SA DUGUANG MGA TSHIRT AT PANTALON
HINALA NG MGA OTORIDAD...POSIBLENG BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION
ANG MGA BIKTIMA...
POSIBLE RIN DAW NA MIYEMBRO NG SINDIKATO ANG TATLO AT PINATAY NANG MAGKA-ONSEHAN...
PATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON NG OTORIDAD
HABANG DINALA NAMAN SA ST MARK FUNERAL HOMES ANG MGA BIKTIMA
No comments:
Post a Comment