Wednesday, August 29, 2012

1 PATAY , 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTOR SA KILLER HWAY

SIMULA NA NAMAN NG MGA AKSIDENTE SA KILLER HIWAY!!

Walang tigil sa pagiyak si Fritz Flores habang yakap yakap ang wala ng buhay niyang ama na si mang Arellano sa bahaging ito ng Commonwealth Avenue

Patay ang rider, matapos bumangga sa gutter ng U Turn slot na ito

Sa lakas ng pagkakabangga, halos mabiyak ang helmet ng tatay niya

Kwento ng mga nakakita, bigla raw lumiko sa UTurn slot ang biktima

Ang kanyang tyuhin naman na kaangkas noon ng ama ng madisgrasya, agad na naisugod sa ospital

Napagalaman naman ng otoridad na sub standard ang helmet ng rider kaya halos hindi nito kinaya ang malakas na impact.

bukod sa wala itong import commodity clearance o ICC sticker, nabili lang ito sa bangketa.

No comments:

Post a Comment