Wednesday, August 29, 2012

RIDING IN TANDEM, PATAY SA ENKWENTRO SA QC


Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa pasacola street barangay nagkaisang nayon sa qc pasado alas otso ng gabi.
Ayon kay PSupt. Crisostomo Mendoza, marami nang nabiktima ang dalawang lalaki partikular na sa novaliches. Babae ang kadalasang biktima ng mga suspek lalo na kung wala itong kasama sa daan.
Kwento ng isa sa mga nabiktima na si anna mapano, hinoldap din siya kagabi ng mga ito. Nilapitan daw siya habang naglalakad pasado alas nuwebe ng gabi sa novaliches bayan sabay tinutukan ng baril. Habang hinoholdap siya, nakasunod ang lalaking sakay ng motorsiklo na sasakyan ng nangholdap sa kanya.
Nakuha mula sa mga suspek ang kalibre .38 na baril at dalawang bag ng mga biktima.

No comments:

Post a Comment