Tuesday, November 27, 2012

DOLLY NG TRUCK NAWALAN NG KONTROL SUMAMPA SA CENTER ISLAND AT BUMALAGBAG SA EDSA

BUTI WALANG NASAKTAN
Nagdulot ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng trapiko ang isang tractor na may kargang mga konkretong poste na humambalang sa south bound lane ng edsa sa kyusi pasado alas dose ng hatinggabi kanina..
Kwento ng driver ng dolly o likurang bahagi ng truck na may sariling tagakontrol na si alvin mirabel..
Dirediretso lang ang takbo nila nang tumigas ang manibela ng dolly kaya hindi ito sumunod pagliko ng truck
Na naging dahilan para
bumangga ito sa isang isuzu elf

Sumampa sa center island ang dolly at Tumalsik naman sa kabilang lane ang elf
Nayupi ng bahagya ang parte nito pero hindi naman nasaktan ang driver nito

Makalipas ang halos isang oras, dumating ang isa pang truck para hatakin ang nakahambalang na tractor at maialis it osa center island
Nakahanda naman ang may-ari ng tractor na bayaran ang nabanggang elf..
Samantala isa namang truck ang bumangga pa sa isang kotse dahil sa pag-usisa sa nangyari..


No comments:

Post a Comment