Monday, November 26, 2012

SNATCHER TIMBOG SA MMDA

BUTI NA LANG ANDYAN SI MAMANG MMDA PARA SUMAKLOLO
Hindi umubra ang bilis sa pagtakbo ng snatcher na si
Joseph taniohan sa isang mmda traffic enforcer matapos itong mahuling nambibiktima sa north edsa kyusi kagabi..

Modus umano ng suspek na manghablot ng mga alahas o gadget at tumakbo patawid sa kabilang lane ng hiway sa pag-aakalang hindi magtatangkang humabol ang biktima

Ayon sa imbestgasyon, naglalakad ang biktimang si girlie lubi nang salubungin ni taniohan at agad na hinablot ang kwntas nito na nagkakahalaga ng katorse mil bago tumakas patawid sa southbound lane ng edsa..

Hinabol ito ng asawa ng biktima at nagsisigaw kaya nakuha nito ang atensyon ng papauwing enforcer na si mark ninio estrada
Agad na bumaba ng motor si estrada at hinabol ang kawatan hangang sa mahuli niya ito

Bugbog sarado sa taumbayan ang suspek na aminado naman sa krimen

Nahaharap sa kasong robbery snatching ang suspek ..
Paalala naman nI PO3 MARLON TAN, IMBESTIGADOR NG QCPD STATION 2 SA mga otoridad sa mga commuters lalo ngayong panahon ng kapaskuhan, HUWAG NANG MAGSUOT NG MGA ALAHAS O MAGLABAS NG ANUMANG GAMIT DAHIL ITO ANG INAABANGAN NG MGA KAWATAN


No comments:

Post a Comment