Monday, March 11, 2013

5 TAONG GULANG NA BABAENG KINIDNAP UMANO SA MAYNILA, NAIBALIK NA SA KANYANG PAMILYA

PAALALA SA MGA MAGULANG, BANTAYAN AT ALAGAANG MABUTI ANG MGA ANAK

Natagpuan na ang limang taong gulang na babaeng si joanna na dinampot umano ng isang lalaki sa maynila noong sabado ng gabi.. 

Ayon sa purok leader ng batasan hills na pansamantalang kumupkop sa bata.. Iniwan ng isang lalaking nakatricycle sa kalusugan st. At natagpuan naman ng vendor bago dinala sa kanya kahapon ng umaga. 

At nang mapanood nga nila kanina sa aksyon prime time ang istorya tungkol sa bata at nakita ang litrato nitong nakapaskel sa programa ay itinawag agad nila ito sa news5.. 

Agad namang pinuntahan ng news5 ang bata at ipinakausap sa kanyang ama para makumpirma kung siya nga ang nawawalang anak nito.. 

Nang makumpirma ay agad na sinamahan ng news5 ang bata at ang mga kumupkop dito para dalhin sa tunay na mga magulang 

Pagkababa pa lang ng sasakyan ay naghiyawan na ang mga tao sa kanilang lugar habang Naiyak naman ang buong pamilya bunda nang muling makita si joanna .. 

Kwento raw ni joanna, piniringan siya at isinama ng isang baliw nung sabado habang naghihintay sa pakain ng pulitiko.. Natuto na raw ng aral ang pamilya bunda at hindi na raw nila pababayaan ang mga anak..

No comments:

Post a Comment