Monday, March 11, 2013

SEKYU KALABOSO MATAPOS MANAPAK NG LASING DAHIL SA MIC

LASHENG NA NAMAN ANG SANGKOT? . .  DIDITH MY WAY? :)
Dinampot ng mga pulis ang sekyu na si jonathan fuentes, 
matapos gulpihin ang isang customer 
sa isang videoke bar sa vluna qc, MARSO 8 NG HATINGGABI

Kwento ng sugatang biktima na si resty raniada.. 
Nag-iinuman sila sa nasabing bar nang mapagpasyahan niyang kumanta.. Mukhang hindi raw nagustuhan ni fuentes ang kanyang pagkanta kaya siya sinapak nito .. 

Pero ayon naman sa kahera ng bar.. Barumbado ang pagkakabigay ni raniada ng mic sa suspek kaya ito napikon at inupakan si raniada.. 

Depensa rin ng suspek, inginudngod ni raniada sa labi niya ang mic kaya nagkasugat ito.. 

Nagdilim daw ang paningin ng suspek kaya niya sinapak ng dalawang beses si raniada na may bukol sa noo at mga bakas ng dugo sa ilong.. 

Nahaharap sakasong physical inhuru ang sekyu na nakadetain sa qcpd stn 10

No comments:

Post a Comment