Monday, February 11, 2013

ABUSADONG RIDER, NANAKOT NG BABAE AT NAGPAPUTOK NG BARIL

NAG-ALA CARABUENA HA!!!!

Trauma ang inabot ng Physical Therapist na si "Michelle", matapos paputukan ng isang lalaki ang dalawang gulong ng kanyang kotse sa Quezon avenue kagabi.. Kwento ni michelle, pauturn na sana siya sa quezon avenue nang biglang siyang banggain sa likod ng isang lalaking nakamotor, bumaba raw siya para silipin ito pero imbes na humingi ng dispensa ang motorista ay pinagmumura daw siya nito, nagpakilalang pulis at hinihingi ang kanyang lisensya..nang hindi raw niya ito ibigay ay nagalit ang lalaki,bumunot ng baril at nagbanta.. Sa takot ay agad daw siyang tumakbo sa kotse at nagtago, dun na raw nagkasa ng baril ang suspek at pinaputukan ang gulong niya sa likod at harapan.. Bago tuluyang tumakas.. Tatlong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene..bukod pa ang natagpuang bala sa gulong.. Isusumite ito sa crime lab para matukoy kung saang baril ito nanggaling.. Patuloy pa rin ang imbestgasyon ng mga otoridad para matukoy ang suspek at mapanagot sa kanyang ginawa lalot gunban ngayon. TATLONG 9MM SLUG ANG NAKUHA SA SCENE. VERIFICATION IN LTO SA PLATE NUMBER NA NAKUHA SA SUSPEK

No comments:

Post a Comment