Monday, February 11, 2013

SIPA AT SUNTOK INABOT NG NAHULING HOLDAPER SA NABIKTIMA NITO

MASISISI BA NATIN ANG BIKTIMA?

Kalaboso ang isang holdaper matapos mahuli ng mga pulis sa Edsa Balintawak sa kyusi pasado alas syete ng gabi.

Ayon sa biktimang si Joey Aguilar, naglalakad siya sa bangketa ng balintawak nang bigla siyang lapitan ng limang lalaki At tutukan ng kutsilyo sa dibdib.. 

nakuha raw sa kanya ang celphone niyang Samsung Galaxy Ace,  bago siya itinulak at natumba.. 

Sinubukan pa raw siyang habulin ng mga ito pero tumakbo na siya patawid sa kabilang kalsada bago humingi ng tulong .. 

Maswerte naman at nakita ito ng mga pulis kaya nahabol nila ang suspek na si Robin selda pero nakatakas ang mga kasamahan nito.

Sasampahan ng kasong robbery holdap si selda na nakadetain ngayon sa QCPD STN 3.

No comments:

Post a Comment