Wednesday, February 13, 2013

MIYEMBRO NG DUGO DUGO GANG TIMBOG, NAG-ESKANDALO PA PARA DI MAHULI

DAPAT SA INYO MAKULONG DAHIL KUNG MINSAN PATI INOSENTENG KASAMBAHAY NADADAMAY SA KALOKOHAN NIYO
KALABOSO ANG ISANG MIYEMBREO NG DUGO DUGO GANG MATAPOS MAISAHAN NG BIBIKTIMAHIN SANA NIYANG LALAKI SA FAIRVIEW QUEZON CITY NOONG ASINGKO NG PEBRERO

Nalambat ng mga otoridad ang KAWATANsa isinagawa nilang entrapment operation sa ISANG MALL SA KYUSI

kwento ng biktimang si "Ryan",   pasado ala una ng hapon nang tumawag sa kanilang bahay  ang isang lalaki.. 

hinahanap umano nito ang kanyang amo. Pero dahil alam na niya ang modus ng mga ito  agad siyang nagpasya na sakyan na lang ito at nagpanggap siyang boy.

Ayon UMANO  sa suspek, naaksidente umano ang kanyang amo at nakadisgrasya pa ng bata kaya kailangan nito ng perang pambayad sa ospital..

May mga props pa umano ito at pinagsalita pa ang kanyang amo pero hindi raw ito maintindihan dahil sugatan ang bibig at panga nito...

Pinagigiba umano nito ang mga pintuan ng bahay at pinakukuha ang mga pera at ipinadadala sa kanya sa isang mall sa kyusi. Sinakyan lang ni Ryan ang mga dikta ng suspek pero inalarma na niya ang mga otoridad  tungkol dito

kasama ang mga otoridad ay pinuntahan nila ang tagpuang lugar at doon siya sinalubong ng suspek na si edna santos.

Nang magkaabutan na ng pera ay agad na inaresto ng mga otoridad si Edna na pumalag pa raw at nagtanggal ng bra at nag-eskandalo para hindi mahuli..

nahaharap sa kasong "Estafa at Resisting Arrest" ang suspek habang pinaghahanAP PA NG MGA OTORIDAD ANG MGA KASABWAT NITO

No comments:

Post a Comment