Tuesday, February 12, 2013

LALAKI, KALABOSO MATAPOS SAKSAKIN ANG KALIVE IN DAHIL HINDI NAG-SAING

ANG BABAE, MINAMAHAL, HINDI SINASAKTAN, LALONG HINDI PINAPATAY

Sa kulungan ang bagsak ni kenneth baldicantos matapos saksakin ang kanyang asawa sa kanilang bahay sa bgy holyspirit sa kyusi.. Kwento ng biktimang si Rosalyn fernando..
Alas kwatro ng madaling araw nang gisingin siya ng kanyang mister para magsaing.. Hindi raw niya ito agad nagawa kaya ito nagalit.. Kaya agad niyang isinalang ang sinaing at babalik na sana siya sa pagtulog nang bigla siyang bungangaan ng suspek at saksakin sa tagiliran..
Duguan daw si rosalyn nang tumakbo sa bahay ng kanyang ina para magpatulong bago siya idineretso sa ospital para magpagamot..
Aniya, dati na raw siya sinasaktan ng kanyang mister at posible raw na may nakaaway ito sa inuman kaya siya ang pinagbuntunan nito
DAGDAG PA NI rosalyn fernando : Dalawang tahi ho.. Dati hinampas pa nga ako ng silya dito. Pinahiya daw siya ng kainuman niya pero d niya kaya kasi kaibigan niya iyon.
Depensa naman ng suspek.. Wala naman siyang balak na saksakin ang misis.. Sot: kenneth baldicantos, suspek "tinatakot ko lng siya, e gumalaw siya" Nahaharap sa kasong frustrated homicide in relation to ra 9262 o anti-violence against women ang suspek

No comments:

Post a Comment