Monday, February 11, 2013

SEKYU, NAG-AMOK, KALABOSO


IINOM INOM DI NAMAN KAYA. .DAPAT ILAGAY SA TIYAN ANG ALAK, HINDI SA UTAK!

Kalaboso ang isang sekyu matapos mag-amok at manghabol ng saksak sa bgy holyspirit sa kyusi NOONG ENERO A DISISIYETE

 ayon sa tricycle driver na si almario panimdim , pasado alas sais ymedia ng gabi nang mabulabog sila sa pilahan ng tricycle dahil sa pagdating ng lasing na lasing na si winnie casas . 

may hawak umano itong kutsilyo at hinahabol ng saksak ang lahat ng masalubong sa kalsada mabuti na lang daw at nakatakbo siya at dumating ang mga tanod para pakalmahin ang suspek  kung hindi ay nasaksak na siya nito . ..   

aminado naman ang suspek sa kanyang ginawa,  nawalan na raw siya ng kontrol at hindi na niya alam ang kanyang mga ginagawa dahil sa sobrang kalasingan 
wala namang naiulat na nasaktan sa insidente pero desidido ang mga biktima na sampahan ng kaso ang sekyu  nahaharap sa kasong grave threat, alarm and scandal, at illegal possession of bladed weapon ang suspek Na nakakulong ngayon sa qcpd station 6.

No comments:

Post a Comment