Sunday, February 17, 2013

LOLO, PATAY MATAPOS MASAGASAAN SA FAIRVIEW NOONG PEBRERO AKINSE NG MADALING ARAW

mamang driver ng jeep,  makunsensya ka naman

duguan at nakahandusay sa kalsada ang isang matanda
matapos masagasaan sa commonwealth avenue
sa fairview qc pasado alas dose ng hatinggabi ng pebrero akinse

Ayon sa nakakita, tumatawid ang matanda nang biglang mahagip ng jeep..

Huminto pa raw ang jeep pero nang magbabaan na ang mga pasahero
ay mabilis itong tumakas..

Samantala naplakahan naman umano ng mga pasahero ang jeep
na may plate number na Tvy 752

Agad namang nilapatan ng lunas ng rescue team
ang matanda bago isinugod sa. East avenue medical center..
pero binawian din ito ng buhay ng alas otso bente singko ng umaga

Pinaghahanap na ng otoridad ang jeep at ang driver nito 

No comments:

Post a Comment