Wednesday, February 13, 2013

SNATCHER TIMBOG MATAPOS TUMULONG ANG ISANG CONCERNED CITIZEN SA NORTH EDSA QC

KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NATATAKOT NG MAGLAKAD AT MAG-COMMUTE SA GABI ANG MGA KABABAYAN NATIN, KUNG GUSTO MONG MAGBAGONG BUHAY, MAGBANAT KA NG BUTO!
Kalaboso ang isang lalaki  matapos mangholdap sa isang waiting shed  sa North Edsa kyusi pasado alas singko y media ng hapon 
kwento ng biktimang si Jen Sandiego,  nag-aabang sila ng bus sa waiting shed nang bigla silang lapitan ng isang lalaki at tatlo pa nitong kasama..
agad  nitong hinablot ang kanyang kwintas  pero imbes na tumakbo.  Hinamon  pa raw nito ang kanyang nobyo kung lalaban ito sabay pakita ng ice pick..
hinayaan na lang daw nila ito at umalis pero mabuti naman at may isang concerned citizen na tumulong at humabol sa suspek na si Edgardo abelong..
sinaksak pa raw nito ang concerned citizen na si joseph baluyot , swerte naman  at hindi ito tinamaan..  tumulong din daw ang kasaMAhan ni baluyot  at kinuryente ang suspek pero hindi raw nito iniinda ang sakit  dahil bangag  ito sa droga..
mabilis naman rumesponde ang mga TANOD AT NAHULI ANG SUSPEK HABANG Nakatakas naman ang tatlo pa nito
kasama aminado naman ang suspek sa ginawa, dahilan niya nais lamang niyang makaipon  para makapagbagong buhay  na
nahaharap sa kasong grave threat, attempted homicide, robbery holdap at illegal possession of deadly weapon ang suspek. Aminado ang suspek na miyembro siya ng Bahala na gang

No comments:

Post a Comment