Sunday, February 17, 2013

HOLDAPER, NAMBIKTIMA SA Q AVE, YARI SA MGA PULIS

AMBILIS NG KARMA NI MANONG HOLDAPER

Dito sa madilim na kalsadang ito nagtapos ang buhay
ng hinihinalang holdaper na ito . . .
matapos makaenkwentro ang mga otoridad
sa quezon avenue sa kyusi pebrero katorse ng gabi

Kwento ng kinse anyos na biktimang si anjanette del rosario ....
nag-aabang siya ng jeep nang bigla siyang lapitan ng isang lalaki
at tutukan ng baril sabay kuha ng kanyang celphone bago  naglakad papalayo..

Tyempo naman na may napadaang mga pulis
kaya agad siyang nagsumbong dito
at itinuro Ang holdaper

Agad naman nila itong hinabol
pero imbes na tumigil ay nagpaputok pa raw ito
kaya nagkaroon ng palitan ng putok
na nagresulta sa pagkamatay ng suspek ..

Pero nakatakas daw ang isang kasamahan nito S

Nakuha sa bangkay ang celphone at baril

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad
para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek
at kung may kinalaman ito
sa serye ng holdapan sa lugar

Tinutugis na rin ang kasamahan ng suspek

No comments:

Post a Comment